Lipon ng mga Tula, Sanaysay at Maikling Kwento
Mga tula na Nilikha ni Patrick Ocan
Sa abot ng aking makakaya
Sa butas ng karayom ako’y dadaan
Hamon ng mundo ay aking lalampasan
Mithiin kong bitbit aking iingatan
Pag ito’y inabot ito’y kaligayahan
Ang landas ko ay di magiging madali
Lalo pa at ang buhay ko’y tagpi-tagpi
Sa mga rurok na aking minimithi
Hindi to matutumbasan ng salapi
Sa daan ko, ako’y lumaki’t yumabong
Mayroong sandigan, Diyos ang katulong
At sa mga problema na patong-patong
Patuloy akong lumakas at umusbong
Pag akin tong naabot ay anong saya
Ngiti ay abot langit na damang dama
Kahit na marupok, ako’y lalaban pa
Dahil sa abot ng aking makakaya
Lupang Pangako
Ilang daan taon na nang tayo’y makalaya
Gayundin ang taon nang namulat tayo sa pananampalataya
Ating mga ninuno’y pinaglaban ang tama
Ngunit tayo’y naliligaw na yata
Sa paglipas ng panahon, marami nang nabago
Hindi lang sa pananamit kundi sa bawat tao
Iba’t ibang uri ng pamumuhay ay sinanay nila tayo
Ating pagiging Pilipino, tuluyan na nga bang naglaho?
Bayang aking sinilanga’y lubog na sa kurapsyon
Pag ang isang bansa’y lumubog paano ito aahon?
Ito na nga lang ba ang natatanging solusyon
Bakit mo uumpisahan bukas kung pwede naman ngayon?
Sa atin nakabalot ang kulay kayumanggi
Simula nang maumpisahan atin itong ipinagbubunyi
Kalayaan lang ba ang tangi nating minimithi?
O marahil ang marami ay nabubulag lang sa salapi
Tagapagligtas
Nagsimulang pumasok ang kasalanan
Nang ang prutas ay kinain nina Eba’t Adan
Atin Niya tayong binalaan
Kaya’tkapalit nito’y kamatayan
Bagamat nagkasala ang mga tao
Pinatawad parin Niya tayo
“Anak mahal na mahal Ko kayo”
Iyon ang parati Niyang samo
Mga kapatid, ganito tayo kamahal ng Diyos
Pag-ibig Niya’y hindi matatapos
Pagmamahal Niya’y sati’y nakagapos
Kaya’t kaylan ma’y di to matatapos
Katunggali
Kurapsyon, kahirapan at edukasyon
Isa ito sa kalaban ng panahon
Matagal na isyu, isyu parin ngayon
Mga
salot nato’y kaylan maglalaon
Problema sa droga’y di masusulusyunan
Abot kayang mga gamut ay walang mabilhan
Mga pamilyang wala man lang matirhan
Edukasyon sa tao’y di matugunan
Sa likas na yaman ay tayo’y panalo
Kaya’t dumarami ang gutom na tao
Problemang trapiko abot hanggang dulo
Ang jeepney at tsuper ang napeperwisyo
Sing dami ng gutom na tao ang langgam
Na iipunin nalang ang tiring ulam
Sa gobyerno atin silang ipaalam
Matigil ito, ang aming inaasam
Ang natatanging Ina
Maaring kulang kami sa aruga
Kaya’t ikaw ay tuluyan nang nasira
Saamin ikaw ay nagmamakaawa
Kaylan ba kami kikilos at gagawa
Madumi na ang mga simoy ng hangin
Tubing sa baybayin ay marumi na rin
Hindi kami manhid ba’t di naming pansin
Hanggang kaylan mo kami kayang tiisin
Pagputol ng puno’y aming kinagisnan
Nabuhay kaming may mga kalat sa lansangan
Paano nga ba kami matatauhan
Ina, patawad, ika’y nahihirapan
Pagbago sayo’y kathang isip na lang
Sapagkat ang mga tao ngayo’y mangmang
Mga tao ngayon ay nagging suwapang
Hindi magtatagal ikaw ay gagapang
Ang Sanaysay ni Patrick Ocan
Ang Lugmok na Bayan ni Juan
Karaniwang
tinatamasa ng madla ang “isang kahig isang tuka” kung saan patuloy na kumakayod
ang marami para lang may mapantustos sa sarili at sa pamilya. Kahirapan ay ang
natatanging rason kung bakit ang mga tao ay gumagawa ng mga illegal sa panignin
ng batas. Parami ng parami ang naghihirap sa baying ating sinilangan kaya’t
gagawin ng nakararami ang lahat upang makaahon dito.
Marami sa atin ang nagugutom at walang
permanenteng tirahan at ang mga abo’t kayang gamut ay di kaya ng bulsa. Kaya’t
ang iba’y nagagawang gumawa ng krimen upang buhayin lang ang pamilya. Sinisisi
ang kahirapan madalas sa pamamalakad ng gobyerno ngunit bakit hindi muna natin
isisi ito sa ating mga sarili? San ka man magpunta ay may pulubi at may nanlilimos,
sa tingin mo ba’y gobyerno parin ang may kasalanan nito? Kung gusto natng
tuluyang mapuksa at mawaksi ang kahirapan, umpisahan natin ito sa ating sarili.
Hindi gobyerno o ibang tao ang may hawak ng iyong buhay kaya’t umpisahan mo sa
sarili mong palad.
Ang kahirapan ay mananatili pari’ng malaking
harang sa patuloy na pagunlad ng bansa ngunit kahit kaylan ay hindi ito
magiging hadlang upang makamit ang mga mithiin. Oo, mahirap na ang Perlas ng
Silanganan pero wag na antin itong ilubog pa, bagkus, habang umiikot ang mundo
at patuloy ang pagdaloy ng agos ng tubig sa ilog ay may pag-asa pa at may
liwanag parin na satin ay naghihintay.
Ang Maikling kwento ni Patrick Ocan
Sa mata ng pagibig
Ako
si Rosalinda at may matalik akong kaibigang si Eric. Mula pagkabata ay kami na
ang magkasangga sa lahat ng aspeto ng pamumuhay. Lubos na magkasundo an gaming
mga magulang kaya’t ganun na lamang kami magkasundo. Habang patuloy ang pagikot
ng mundo at pagsikat ng araw ay napansin ko na unti unting lumalabo ang aking
mga mata. Nilihim ko it okay Eric dahil ayaw ko siyang masaktan at matakot.
Pinaalam ko ito saaking mga magulang at agad nila akong pinakunsulta sa doctor.
“Malabo na po ang kanyang paningin, di kalaunan ay maaari siyang mabulag kung
lalala at di maaagapan.” Sabi ng doctor. “ wala na po bang remedy ditto? Ayaw
po naming mabulag ang kaisa isang anak namin!” Pasigaw na tanong ng ina ni
Rosalinda habang maluha luha na ang kanyang mga mata. Niresetahan ako ng gamut
ng doctor at pinauwi na kami. Pagkadating ko sa bahay ay agad akong tumungo sa
aking kwarto at nagdasal “Panginoon, sa dinami-rami ng taong puwedeng mabulag
ay ako pa? nakakalungkot”
Kinabukasan,
sa silid-aralan, tumungo sa tabi ni Rosalinda
si Eric at bigla siyang kinausap. “Rosalinda, kumusta ka? Bakit narito ka sa
pinakaharap na upuan?” “Ah eh, di ko kasi mabasa ang nasa pisara eh.” Tugon ni
Rosalinda. “Ay ganun ba? Sige.” Sagot ni Eric sakanya. Nagging malapit sila sa
isa’t isa. Araw-araw ay sinusundo ako ni Eric sa bahay, sabay silang papasok at
uuwi. Sa pagiging malapit nila sa isa’t isa ay di maiwasan ni Rosalinda na
mahulog ng paunti unti kay Eric. Sa kabila ng kalabuan ng mata niya ay kitang
kita parin niya ang pagiging mabuti ni Eric hindi lang sakanya kundi sa marami
pang tao. Habang naglalakad papauwi ang dalawa ay di maiwasang magtanong ni
Rosalinda kay Eric “Bakit ang bait mo sakin?” Agad sumagot si Eric ng “Wala
lang, masama ba?” “Hindi ah! Nagtatanong lang” sagot ni Rosalinda. Di na
pinilit pa ni Rosalinda na magtanong kaya’t nang makarating sa bahay ay agad na
itong nagpaalam kay Eric at pumasok sa bahay. Ganun na lang ang palaging
nangyayari sakanilang dalawa araw-araw.
Isang
gabi ay binisita ni Eric si Rosalinda habang may dala-dalang pagkain. Nanay ni
Rosalinda ang sumalubong sakanya at agad itong pinapasok. Masayang nagusap ang
dalawa hanggang sa umabot na si Rosalinda sa pahayag na “Eric, mahal kita. Sana
ramdam mo.” Tumango lang si Eric at di umimik, bagkus, ngumiti lang ito at
niyakap si Rosalinda. Habang nakayap ay agad tumawag ang magulang ni Eric dahil
pinapauwi na siay sa kanilang tahanan. “Paalam na Rosalinda, malalaman mo rin
ang sagot ko sa sinabe mo sa mga sumunod na araw.” Masayang sinabi ni Eric
habang papalabas na sa silid ni Rosalinda.
Kinabukasan,
pagmulat ni Rosalinda ay wala na siyang Makita. Dumating na ang araw na kanyang
kinatatakutan, ang tuluyang pagkabulag ng mga mata niya. Laking gulat naman ni
Eric ang pangyayaring ito. Agad niya itong pinuntahan sakanilang tahanan.
Pumasok siya sa silid ni Rosalinda at agad niya itong nilapitan “Rosalinda,
Eric to. Ayos ka lang ba? Anong masakit sayo?” pangangambang tanong ni Eric.
“Eric, alam kong nalulungkot ka sa pangyayaring ito, ako rin. Pero kaylangan ko
itong harapin. Gagabayan naman ako ng Diyos at alam kong bibigyan Niya muli ako
ng paningin.” Sagot ni Rosalinda. Tumuloy ang usapan nilang dalawa. Hindi
nagtagal, napansin ni Rosalinda na parang humihikbi at lumuluha si Eric. “Eric,
may problema ba?” tanong ni Rosalinda. “Rosalinda, matanong ko lang. paano kung
isang araw nalaman mo na may sakit ako, may taning na ang buhay ko at bilang na
ang mga natitirang araw ko, ano gagawin mo?” tanong ni Eric. “Eric, di
magandang tanong iyan. May sakit ka? Yung toto?” pagalit na tanong ni
Rosalinda. “Hala hindi! Nagkakamali ka, nagtatanong lang ako. Wag mong
seryosohin.” Ani ni Eric. “ May isusulat ako, basahin mo nalang pag mayroon ka
ng tyansang makakita muli” dagdag pa nito. “Sige, sana nga, sana makakita na muli
ako.” Sagot ni Rosalinda. Nagsulat ng nagsulat si Eric hanggang sa nagpaalam na
siya kay Rosalinda dahil uuwi na raw siya.
Isang
gabi, sumakit ang mga mata ni Rosalinda, sumakit ito ng sumakit kaya’t sinugod
ng mga magulang si Rosalinda sa ospital. Habang nakahiga at natutulog si
Rosalinda ay tumawag ang mga magulang ni Eric at sinabing “Hello, Rosalinda,
ikaw ba ito?” tanong ng nanay ni Eric. “ magulang ito ni Rosalinda, bakit po?”
sagot ng magulang ni Rosalinda. “ sinugod naming si Eric sa ospital, malala na
ang kanyang sakit na Cancer. Hindi na siya makakatagal pa.” sagot ng magulang
ni Eric. Laking gulat ito ng mga magulang ni Rosalinda dahil ni isa ay wala
itong binabanggit na mayroon siyang Cancer, maging kay Rosalinda. Hindi
kalaunan, ay nasa iisang ospital lang pala silang dalawa kaya’t pinuntahan agad
ng magulang ni Eric si Rosalinda. “pasenysa na, masakit man itong sabihin pero
wala na si Eric, oo, wala na siya. Pinaubos nalang ang natitirang gamut na
mayroon siya ngunit hindi na talaga kaya.” Malungkot at mangiyak ngiyak na sabi
ng magulang ni Eric. Gulat na gulat ang magulang ni Rosalinda sa balitang ito.
“Bago
mataningan ng buhay si Eric ay may hiling siya sa amin.” Ani ng magulang ni
Eric. “ano poi yon?” tugon ng nanay ni Rosalinda. Hindi nagtagal ay ginawa na
nila ang hiling ni Eric. Kaya’t pagmulat ni Rosalinda ay nakakakita na siya.
“mama, papa, nakakakita na ako!” masayang pagkabigkas ni Rosalinda. Kinausap ng
magulang ni Eric at ng Magulang ni Rosalinda si Rosalinda. “Bagamat masaya ka’t
nakakakita ka ng muli, gayundin kami. Pero gusto ko lang malaman mo na ang mga
matang gamit mo ay ang mata ni Eric, mata ng anak namin.
Rosalinda, matagal ng may sakit na cancer si Eric, at iyon ang dahilan ng
pagkamatay niya, kanina lang habang natutulog ka” sabi ng magulang ni Eric.
“bago siya mamatay ay may binigay si Eric saaming liham para sayo. Basahin mo.”
Dagdag ng magulang ni Eric.
Binasa
ito ni Rosalinda at ito ang nilalaman.
“Rosalinda,
tinupad na ng Diyos ang hiling mong makakita muli. Patawarin mo ako kasi
nagsinunaling akong wala akong sakit. Di ko kayang masaktan ka kaya’t nilihim
ko muna ito. Naaalala mo ba yung tanong mo kung mayroon akong ibibigay sayo?
Ito nay un. Ang mga mata ko. Nawa’y gamitin mo ito sa mabuting pamamaraan, sa pamamaraan
na kawili wili sa paningin ng Diyos. Wala man akong mga mata, Masaya ako dahil
nasa piling na ako ng Panginoon. Yung sagot sa tanong mo kung mahal ba kita? Oo
Rosalinda, mahal din kita. Pasensya na at natagalan pa ang pagamin ko. Muli,
salamat sa lahat, salamat sa ala-ala. Paalam Rosalinda.
Naging
Masaya si Rosalinda at kinalimutan na ang sakit na nangyari, ngunit di niya
malilimutan ang pagmamahal ni Eric. Namuhay si Rosalinda ng matapat, mapagmahal
at may takot sa Diyos.
Mga tula na Nilikha ni Alexie Lampano
Dagok
Para sa taong maghihintay
hanggang dulo
Umaasang kahit anong
pagsubok ika’y hindi susuko
Sana sa ating dalawa’y
walang magbabago
Pag ibig mo sana’y hindi
maglaho
Mahal,pagpasensyahan mo kung
minsan sakit ako sa ulo
Natatakot lang ako baka
magkaroon tayo ng dulo
Panghahawakan ko ang ating
pangako
Saba’y nating haharapin
lahat ng darating na gulo
Ngayon,kaylangan munang
dumistansya
Alam kong sa huli mapapalitang
din ito ng saya
Naniniwala ako na tayo na
talaga
Pang habang buhay na ika’y
makasama
Bawa’t sandali’y yakap mo
ang naaalala
Tila ba ayoko ng pakawalan
pa
Walang katumbas ang
masasayang araw na kapiling ka
Biglang naalala ang
kinabukasan...Sana’y maulit pa
Walong buwan na ang lumipas
Noong salitang “ikaw” ay
iyong nabigkas
Isang hindi inaasahang pag
amin
Mula sa aking katabing gusto
ko rin
Dumating sa puntong uminit
ang ulo
Natakot na malaman ang
pinakatatagong sikreto
Oo matagal na kitang gusto
Nagsimula sa panahong
magkatabi pa tayo
Kung maibabalik ko lang
aking lulubos lubusin
Na makatabi uli ang taong
noo’y aking mithiin
Dumating ang oras na tila
ba’y nawalan ng pag asa
Tinanong ang sarili “paano
ba yan,kaya pa ba?”
Hindi inaakalang ang taong
ito’y lubos kong mamahalin
Ang taong dati ay akin
lamang mithiin
Ngayon ay hindi ko kayang
tiisin
At panghabang buhay kong
lubos na iibigin
Bago matapos ang tulang ito
Nais ko lang sabihin na ikaw
lang ang mamahalin ko
Hindi ka papakawalan,Pangako
Lagi kang mananatili,Ikaw
lang at wala ng iba,Mahal ko.
Polusyon
Balik tanawan ang dating
kalikasan
Paligid ay kulay asul at
luntian
Ang mga ibon ay
nagsisiawitan
Sa mga malalagong puno’t
halaman
Masakit tanggapin ang
katotohanan
Tayo ang sumisira sa
kalikasan
Ang tao rin ito’y lubos na
dahilan
Sa nasirang buti ng
kalikasan
Ang hanging sariwa,balisa na
ngayon
Nasira ng usok na
naglilimayon
Ang dagat at lawa na
nilalanguyan
Tila hindi na lilinaw
magpakailanman
Nangarap ng malinis na
kalikasan
Noon pa man ay aking
inaasahan
Mga polusyon ay ating
solusyonan
Patungo sa malinis na daanan
Watawat
Napapanahon na ang digmaan
Bawat oras at minuto may
labanan
Maraming tao na ang namatay
Kahit anong ipalit na pera’y
walang papantay
Magandang pamamahala ng
presidente ang pag asa
Umaasang liliwanag din ang
pula
Maabot din ang mithiin
Kapayapaan sabay nating
abutin
Luzon,Visayas at Mindanao
Isinasagisag ng bituing
dilaw
Kapayapaan laban sa digmaan
Mga kababayan,tayo’y
magmahalan
Doktora
Simula ng tumungtong sa
paaralan
Unti-unting nilasap ang
kamusmusan
Dahil nararamdaman ko na ang
hudyat
Ako’y nangangarap na’t,atat
na atat
Nang tumongtong na ako sa
sekondarya
Ninais ko ng maging isang
doktora
Iaalis lahat ng takot
Nang ako nama’y hindi
makalimot
Sa bawat hakbang ng aking
tatahakin
Lahat ng bagay ay aking
aaralin
Nangangarap ng husto para sa
lahat
Ayoko na makitang lahat ay
salat
Gusto ko ng maglakad ng may
pangalan
Buong buhay ko’y dito
ilalaan
Ginugusto ang marangal na
pangarap
Para sa buhay na aking
linalasap
Kahirapan
Talagang tanyag ang
kahirapan
Sa ‘di maunlad na mga bayan
Para ‘tong sakit na
kumakalat
Na kasimbilis ang isang
kidlat
Edukasyon ang isa sa mga
dahilan
Kung bakit tayo’y
nahihirapan
Sino ba ang dapat nating
sisihin
Sa lahat nitong pasanin
Tayo ay dapat ding
magsumikap
Ipang magkaroon ng hinaharap
Dapat gumising sa kamusmusan
Para sa ating kinabukasan
Tayo man ngayon ay
nahihirapan
‘Di natin dapat ‘to pabayaan
Ang dapat nating
pinupuntirya
Sa kahirapa’y maging malaya
Ang Sanaysay na Likha ni Alexie Lampano
Kain Yaman
Ang pilipinas ay dumaranas
ng talamak at malawakang korapsyon sa pamahalaan nito.Kabilang sa mga paraan ng
korapsyon na isinasagawa sa pilipinas ang graft,panunuhol,paglustay ng
salapi,mga kasunduan sa likurang pintuan,nepotismo,padrino,pamimili ng
boto,ghost project at ghost employee.
Batid naman natin na lahat ng parte o bahagi
ng pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korapsyon sa ating
pamahalaan at ito ay kaugat na sa sistema ng publiko dito sa bansa.Ang
korapsyon ay patuloy pa ring laganap sa kadahilanang ang mga ahensiya ay hindi
nabibigyan ng lubos na kapangyarihan upang labanab ang korapsyon.Ito ay
nagiging kadahilanan sa kahirapan sapagkat imbis na sa publiko o taong bayan
mapunta ang mga pondo napupunta lamang ito sa bulsa ng ilang
mambabatas.Pagiging makasarili ng iba,illegal na pagkuha ng salapi mula sa
pondo ng bayan,hindi maranggal,mapanlinlang at pang aabuso sa ipinagkatiwalang
kapangyarihan kaya patuloy pa rin ang paghihirap ng mamamayanan at ng
bansa.Ganun pa man ang korapsyon ay patuloy pa ring laganap sa bansa.Madami ang
nagsasabi at nangangako na susupuin nila ang korapsyon kapag sila ay nahalal sa
pwesto ngunit sila rin pala ay ang kadahilanan nito.
Maraming politiko ang
umaabuso sa mga ordinaryong tao.Ang pagsugpo sa korapsyon ay hindi lamang
nakasalalay sa iisang tao.Tayong lahat ay may kakayahang masugpo ito.Kung lahat
tayo ay matutulungan,magbabago sa indibidwal na lebel at kung tayo ay magiging
bantay laban sa korapsyon.
Ang Maikling kwento ni Alexie Lampano
Balik Tanaw
Walong buwan na ang
lumipas,nang salitang “ikaw” ang iyong nabigkas.Maari bang ibalik ang
kapanahunang iyon?Pagsulat ng isang maikling kwentong ito’y hindi madali
sapagkat sa titulo pa lamang ay mamalan na ang nais kong ipahiwatig. Isang
simpleng babae ang wala sa kanyang isip o ni kahit minsan ay hindi nag isip na
umibig.Sabi niya sa kanyang sarili ay hindi niya ilalaan ang kanyang oras sa
kahit na sinong lalaki dahil naniniwala ito na hindi nita ngayon mahahanap ang
tamang lalaki para sa kanya dahil siya ay masyado pang bata lalo na sa ganitong
bagay.Pinangakuan niya ang kanyang sarili na hahayaan ang mga lalaking
nakapaligid sa kanya at mas pipiliin lamang niya na ilaan lahat ng kanyang
oras sa pagaaral.Si ligaya ay labing limang
taong gulang .Siya ay nasa ika-4 na taong na sa sekondarya.Matalino,mabait,at
simple lamang ang babaeng ito kaya naman hindi kataka taka na maraming lalaki
ang nabibighani sa kanya.Bukod dito si ligaya rin ay madaling pakisamahan at
palabiro dahil dito maraming mga tao ang gustong kumaibigan sa kanya.Isang
araw, si ligaya ay may nakilalang lalaki sa kanilang silid.Marami ring babae
ang humahanga dito dahil sa kanyang angking talino,kagandahan ng
tinig,pagkamalikhain at maraming talento.Nang makilala ito ni Ligaya tila ba’y
mawawala at masisira na ang kanyang ipinangako sa sarili ngunit agad nagpadala
si ligaya dito kanyang inisip na maaring mayabang at hindi maganda ang ugali
nito.Hindi hiyaan ng dalaga na tuluyan siyang mahulog hanggat maari kaya itong
pinigilan.Isang araw,sila ay pinagtabi dito nalaman ni ligaya ang pangalang ng
lalaking ito.Si melchor ay nagpakilala kay ligaya nung una’y nagsusungit ang
dalaga ngunit ng malaman ang pangalan ng binata ay biglang napangiti at tumawa
si ligaya sa pangalan ni melchor dahil para sa kanya ay kakaiba at wirdo ang
pangalan nito. Habang tumatagal,lalo nilang nakilala ang isa’t isa nung una’y
inakala ni ligaya si melchor ay mayabang at hindi kagandahan ang
ugali.Nagkamali ang dalaga sa kanyang inakala habang tumatagal tila ba
unti-unti na ng nahuhulog dito si ligaya.Nagkakakwentuhan tuwing walang klase
at tuwing walang ginagawa.Doon na lalong nakilala ni ligaya su melchor.Akala ng
dalaga noon ay pare-paraeho lamang ang mga lalaki ngunit kakaiba pala ang
binatang si melchor.Dumating ang arae na si melchor ay may gustong malamang pa
sa dalaga.Kaya nama’y binuklat nito ang kwaderno ni ligaya doon nalaman ni
melchor na ang dalagang si ligaya ay may lihim na pagtungin na sa kanya.Nahuli
ni ligaya na binuksan ni melchor ang kanyang kwaderno na kung saan doon nita
isinulat ang mensahe at katangian ng binata.Nagalit ang dalaga nangangambang
maaaring layuan siya ng binata “Bakit mo pinapakialaman yan?Hindi iyo,dapat
hindi mo ginagalaw!” Nagulat ang binata sa naging realsyon ng dalaga sapagkat
ngayon lamang niya nakita na ganito ito kaya nama’y sinabi nito na “Gusto ko
lang malaman,Alam mo naman nasa isip ko hindi ba?” Nagtanong ang
dalaga,”Gustong malaman ang alin?Ano bang meron sa isip mo?” Malakas na loob na
sinabi ng binatang si melchor “Ikaw!”,Tila bay natulala ang dalaga at
tinanong”nakikipagbiruan ba?” At sinabi
ng binata “seryoso na ko”.Hindi inakala ito ng dalaga tila ba napako ang
kanyang ipinangako sa kanyang sarili.Natulala at hindi makapaniwalang ang
lalaking kanyang minsan ay kanyang ninais ay mamahalin niya ng lubusan.Si
melchor ay ang unang lalaking nagustuhan ay matagal na rin palang may pagtingin
sa kanya.Masaya sa pakiramdam dahil ang taong pinagdarasal mo lamang noon ay
nakuha mo na ngayon.
Ako si ligaya at nagbibigay
ng mensaheng hindi lahat ng pangako mo sa iyong sarili ay kaya mong panindigan
ngunit hindi ibig sabihin nito ay iyong pagsisisihan.Tama ang kanilang mga
sinabi na ang pagibig nga raw ay darating sa hindi mo inaasahan,walang oras o
persa darating na lamang ito sa hindi mo inaasahang pagkakataon.
Mga tula na Nilikha ni Margaret Caoile
Madungis na kalikasan
Nakita ng buwan itong
pagkasira,
Mundo't kalisakasan ngayo’y
giba-giba,
Ang puno putol na, nagbuwal
at lanta,
Ang tubig marumi, lutang ang
basura.
Nalungkot ang buwan sa
nasasaksihan,
Lumuhang tahimik sa sulok ng
damdam,
At nakipagluhaan sa poong
Maylalang,
Pagkat ang tao rin ang may
kasalanan.
Ang hanging sariwa, bilasa
na ngayon,
Nasira ng usok na
naglilimayon,
Malaking pabrika ng goma at
gulong,
Sanhi na ginawa ng
pagkakataon!
Ang dagat at lawa na
nilalanguyan
Ng isda at pusit ay wala
nang laman,
Namatay sa lason saka
naglutangan,
Basurang maburak ang siyang
dahilan
Kawawang paligid
Nakipagtagisan ang araw sa
ulan,
Hindi patatalo sa luksong
labanan,
Ang buwan at tala’y nanonood
lamang
Sa dugong nanatak sa lupa ng
bayan.
“Ang iyong panahon, lumipas
na Araw!”,
Ang sabi ni Ulan at saka
inagaw
Ang koronang tangan ng Haring
papanaw
Tila basang sisiw – malat
kung sumigaw.
May araw ka rin, O Ulang
tikatik,
Ang sabi ni Araw na ngiwi
ang bibig,
Pinilit ginamot ang unday ng
pait,
Upang makabawi sa lugmok na
sakit.
At habang patuloy ang
pakikilaban,
Nitong Haring Araw sa buhos
ni Ulan,
Naghihingalo na’ng mga
mamamayan,
Sa mundong ang kulay -
bahang kapatagan
Bayan ko
Pumipintig lagi sa aking
unawa,
Ang habilin ninyo sa aking
gunita,
Hindi mahalaga itong
gantimpala,
Higit na mainam - itong
ating kapwa.
“Ikilos ang lingap, igawa
ang kamay,
Sa unos at bagyo’y sumagip
ng buhay
H’wag alalahanin ang premyo
at alay,
Na matatamasa sa iyong
pagdamay.
Yakapin ang kapwa sa
pamamagitan,
Ng bukas na palad ng
pagtutulungan,
Itong mga taong
nangangailangan,
Sagipin sa luha, kusang
saklolohan.
Laging isaisip na
makabubuti,
Ang magsilbing lugod sa
nakararami,
Magbigay ng sinag kahit pa
nga munti,
Mas mainam kaysa sa yamang
malaki
Ang aking pangarap
Mayroon akong gustong
puntahan
Sa wari ko’y dapat kong
kalagyan
Isang lugar makikita kung
saan
Munting pangarap simula pa
man
Isang pagkakaton marahil sa
iba
Sadyang simple at walang
halaga
Ngunit may mga taong
tumitingila
Bagong bayani ang bansag
nila
Isang marangal at puno ng
puso
May layuning tunay at totoo
Upang makatulong makabuo
Di lang ng pangarap ko pati
sa iyo
Linagin ang isipan ng musmos
Paunlarin kaalaman lubos
Itatak ang mga mabuting utos
Upang ang katauhan mapuspos
Pakiramdam
Lahat ng kanyang pinapakita
na ngiti at saya
Ay kabaliktaran ng tunay na
nararamdaman niya
Mga maliliit na bagay na
hindi niya dapat pinapansin
Ay bumabagabag sa isip
kaya’t hindi niya kaya alisin
Hindi kaya magkwento sa
magulang pati na din kaibigan
Pagkat pakiramdam niya na
siya’y huhusgahan at pagtatawanan
Kung sa mga kaibigan niya’y
ito ay isa lamang malaking kalokohan
Para sakanya naman ay para
kang inuulila’t pinaparusahan
Akala ng kanyang magulang
siya’y nagiinarte lamang
Na ang kanilang gabay
sakanya ay parang nagkulang
Hanggang kailan kaya niya
mararamdaman ang sakit
Na ni minsan hindi manlang
inintindi’t binigyan pagmamamlasakit
Ngunit kahit ito’y palagi
niyang nararanasan
Nagpapasalamat pa din siya
sa Diyos sa kaitaasan
Pagkat kahit siya’y umiiyak
na lamang sakanilang bahay
nananatiling may
pananampalataya parin ang kanyang buhay
Ang Sanaysay ni Margaret Caoile
Bullying
Ano nga ba ang bullying?
Ito’ay isang act ng pang-aasar o panglalait na akala natin nakakatuwa pero ang
totoo ay nakakasakit na tayo ng damdamin ng kapwa. Ang mga estudyante ngayon ay
ginagawa na lamang itong biro o laro na akala may maitutunguhan. Kahit anong
galit o scold ng mga guro’t magulang eh patuloy pa din nila ito ginagawa.
Walang nagagawa minsan ang
mga gurop, kaya’t minsan umaabot sa pagpapakamatay ng biktima ng bullying. Guro
mismo dapat ang maging modelo sa mga estudyante na kung ano ang dapat gawin at
hindi. Na ang panglalait ay madaming patutunguhan, kaya’t maawa kayo sa mga
magulang ng tao na pinagtritripan. Maaring maapektuhan ang pag-aaral nito
kaya’t huwag natin husgahan.
Ang Maikling kwento ni Margaret Caoile
Magka-ibigan
Balik nanaman sa eskwelahan,
sana naman hindi nakakapagod ang taon na ito." Sabi ko sa aking kaibigan
na si Andy. " kinakabahan na ako magpakilala. " Sabi naman ni Ella.
"Okay class, hindi nyo na kailangan tumayo sa harapan. Basta sabihin ninyo
lamang ang inyong pangalan at palayaw ninyo." sabi ni sir lito. Inisa-isa
niya kami, naghanap ako ng pwede maging inspirasyon ngayong taon na ito dahil
nakasanayan ko na ito, ngunit kamalas-malasan ay wala naman akong mahanap.
"Hi ako nga pala si Nathan Peña, pwede ninyo kong tawagin na Nathan
nalang." sabi ng unang nagpakilala. Ako’y nagulat sakanya’t nabighani
kaya’t isip isip ko ay siya na nga ata. "Okay, mag aayos na tayo ng
magiging puwesto niyo para sa unang markahan kaya tumayo kayong lahat at
pumunta sa likod." Utos ni Sir Lito. Iyon ay pinagdasal ko na sana’y
makatabi ko si nathan at sa kasamaang palad, hindi ko siya nakatabi. Pero
siya’y nasa harapan ko naman kaya’t ayos na iyon. Makalipas ang ilang linggo at
nagsimula na rin ang klase. " Maghanap kayo ng apat na miyembro para
sainyong magiging grupo. " Utos ulit ni sir. Nakahanap na ako ng tatlo ngunit ang problema
ay kulang pa ng isa. Hinayaan na lamang namin at hindi sinabi sa aming guro.
"Sino sa inyo ang nawawalan pa ng isang partner?" Tanong ng guro.
Hindi na ako nag taas ng kamay dahil nahihiya ako. "Bakit di ka magsabi na
kulang ka isa?" Sabi naman ng katabi ko saakin. Nagulat ako dahil malalim
pa boses nito. Bago rin siya, ngunit sa aking katahimikan tinignan ko lang ang
papel niya at parehas kami na kulang din sa grupo. Kaya’t wala kaming nagawa
kundi maging magpartner. Lumipas ang mga buwan naging matalik ko na kaibigan
itong baguhan na nagngangalang, mark. Isang araw, nalaman niya na may lihim
akong gusto kay nathan at hindi ito alam ni nathan. Sa hindi inaasahang
situasyon, ito’y pinag-awayan namin. “ wala kang karapatan na pagsabihan ako ng
ganito pagka’t hindi mo ako nobya! “ napatahimik na lamang si mark at sinabi
saakin, “ oo hindi nga kita nobya ngunit gusto ko. Gusto kita, alyanna, alam mo
ba yon? Mahal kita. Sana naiintindihan mo” sigaw niya saakin sabay takbo. Hindi
ko alam ang nangyari at napatahimik na lamang ako’t hinabol siya bagkos lahat
ay nakatingin saamin.
Mga tula na Nilikha ni Alliana Pascua
SAGUPAAN
Kahirapan ang mga
nararanasan
At paghihirap ang mga
nararanasan
Iisang halimbawa pa lamang
iyan
Halina’t isa-isahin natin
iyan
O isa pang halimbawa ang
marawi
Hindi ba’t maraming buhay
ang nasawi?
O ano pa ba ang dapat nating
gawin?
Matapos lang ang mundo
nilang madilim
“Kabataan ang pag-asa ng
bayan” daw
Ngunit bakit kaguluhan ang
sumasaklaw?
Sino-sino ba ang dapat na
sisihin?
O mayroon nga bang dapat na
sisihin?
Paghihirap nila’y di ko
naranasan
Ngunit ako ay takot na
maranasan
Ang terrorismo ay dapat ng
tigilan
Upang lahat tayo ay
maginhawaan
BERDENG YAMAN
O ang ating kalikasan na
kay ganda
Kay sarap tignan,hindi
nakakasawa
Langhap ng hangin sa
bundok ng pananim
Ito’y alagaan dahil
iyo’y atin
Kalikasan na punong-puno
ng berde
Isang halimbawa ang puno
na berde
Ito ay simbolismo ng
pagka-lago
Kaya ito’y panatilihin
na bago
Ang mga tao ang dapat na
magsilbi din
Sa kalikasan na binigay
sa atin
Dahil ang kalikasan ay
mahalaga
Tayong mga bata ang
mag-alaga
Mga puno na tila
nagsasayawan na
Na akala mo’y mga
naghaharutan
Nagsasayawan dahil sa
mga hangin
Ang hangin na dapat
panatilihin
AKING KINALAKIHAN
Ang Pilipinas kong mahal
At ang bayan kong
patuloy na minamahal
Mamahalin hanggang sa
dulo ng buhay
Umabot man sa
kasulok-sulukan ng hukay
Sa Pilipinas ako’y
isinilang
Ito’y dapat nating
alagaan
Pilipinas na aking
pinapangarap
Na ngayo’y lubhang
naghihrap
O bansang aking
minamahal
Bakit ka nagkakaganyan?
Dapat ika’y hindi
nasisira
Sapagkat ika’y aking
inaruga
Ang Pilipinas na dapat
inalagaan
Dahil ito lamang ang
nararapat
Hindi ka dapat mapasama
Dahil sa kagagawan ng
mga pabaya
AKING
PAGPUPUNYAGI
Pagdodoktor ang aking pinapangarap
Kakamitin kahit alam na mahirap
Pangarap na kaya kong abutin
Anumang hirap ang aking raranasin
Edukasyon ang aking isang dahilan
Upang dumami ang aking kaalaman
Isang kurso ang dapat na pagsikapan
Para sa pangarap na gustong makamtan
Pag-aaral ay hindi papabayaan
Para sa sarili at sa aking bayan
Aking babaguhin ang hirap sa sarap
Nang maranasan na nasa alapaap
Ako ay handang-handa na mahirapan
Basta’t hindi ko to mapabayaan
Handang maghirap para sa aking hangad
Basta’t lahat ng pangarap ay matupad
TUNAY
KANG KAIBIGAN
Ikaw ang kaibigan kong parang bulaklak
Hindi dahil sa panlabas mong kaanyuan
At hindi dahil sa mga sinasabi mong mabulaklak
Ito ay dahil isa kang insrumento ng tunay na pagmamahal
Ang samahan natin ay puno ng saya
Minsanang nagkalabuan dahil sa maliit na bagay
Ngunit madaliang nagkaayos dahil tayo’y magkaibigan
Napatunayang hindi matitinag kahit magka-problema pa
Ikaw ang kaibigang puwedeng masandalan
Anumang oras ay palaging nandiyan
Handang magpayo at umunawa
Kahit ano pang dumating na problema
Nagpatunay sa akin na hindi ako nag-iisa
Anuang masama ang dumaloy sa isipan
Ako’y nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kabaitan
Dahil binigyan ako ng tunay na kaibigan
Ang Sanaysay na likha ni Alliana Pascua
USOK
Ano nga ba ang iba’t-ibang klase ng mga Drugs? At
makakabuti ba ito sa atin? Ilan na ng
aba ang mga sumuko na mga Druglord? Ilan na nga din ba ang mga namatay nang
dahil dito?
Ang droga ay ang ipinagbabawal na gamot. Ito ay maaaring
makaapekto sa ating pag-iisip, at katawan. Maging ang ating kapaligiran ay
maapektuhan dahil sa droga. Nang Manalo si Duterte sa pagka-Presidente, tinatayang
may 141 na suspek na kada araw ang inaaresto ng mga pulisya. At ayon sa PNP,
mahigit 5,845 muna mayo hanggang hulyo 3. Mahigit kalahati na ito ng 10,868
indibidwal na ang inaresto ng PNP sa loob ng pitong buwan. 60,393 ka-tao na ang
sumuko sa awtoridad simula noong hulyo 1. Ayon din sa PNP, simula noong mayo 10
hanggang hulyo 3, 103 suspek na ang napatay sa mga operasyon ng pulisya.
Sa aking palagay, ang paggamit nila ng droga ay para sa
kanilang pansarli. Ngunit, hindi pa rin ito makakabuti para sa atin o sa ating
kalusugan at sa kapaligiran. Ang paggamit mo rin ng droga ay maaari mo ring
ikamatay hindi lang dahil sa ipapapatay ng ating president bagkus, dahil na rin
sa epekto ng droga sa ating katawan.
Ang Maikling Kwento na likha ni Alliana Pascua
ANG
LABINDALAWA
Sa lugar
na densiara, may binubuo na limang grupo. Sa loob ng isang baril, may mga
balang pumapatay ng tao. Labintatlo at labindalawang tao, anong magiging
kapalaran ninyo? Halina’t pasukin natin ang lugar na Densiara. Ang Densiara,
ito ay isang sikretong lugar na tanging ang limang grupo lang ang makakapasok.
Limang grupong pumasok sa Densiara dahil gusto nilang prumutekta, gusto ng pera,
makipaglaban, o maaring gusto nilang mamatay. Ang pinaka-mataas sa ranggo ay
ang grupong Kingstern, isang lalaking namumuno
at apat na lalaking mga ka-miyembro. Pangalawa sa ranggo ang Gunner,
isang babaeng namumuno at apat na babaeng mga ka-miyembro. Sila lang ang
natatanging grupo na puro babae. Pangatlo sa ranggo ang Blackbullets, isang
lalaking namumuno, dalawang lalaki, at dalawang babae na mga ka-miyembro.
Pang-apat sa ranggo ang Piersage, isang lalaking namumuno at apat na lalaking
mga ka-miyembro. Ang panghuli sa ranggo
ay grupong Phoenix, isang lalaking namumuno, tatlo na lalaki, at isang babae na
ka-miyembro. “Magkakasama tayo sa laban na ito, kung nais ninyong sumuko maaari
niyo ito gawin.” Pagsasabi ni Jax sa kanyang mga ka-grupo na Kingstern. “hindi
boss! Walang sukuan ditto!!” sagot ni Aider. SI Aider ang pinaka-masiyahing
miyembro sa Kingsterm. Ang Kingstern ay sumasabak sa laban dahil may humamon sa
kanila. Pagkalipas ng mga ilang oras, natapos ang laban ng walang nasugatan
ni-isa sa kanila. Hindi na ito bago dahil sila naman ang may pinaka-mataas na
ranggo sa limang grupo. Sa kabilang banda, ang natitirang apat na grupo ay nasa
kanilang campo o base kung saan nandoon ang kanilang headquarters, at ang camp
field na kanilang tinatawag na training grounds. Ang limang grupo sa loob ng
Densiara ay may kani-kanilang misyon, ngunit kung pagsasamahin mo sila na
maging isang grupo, o gagawin mo ang limang grupo na maging isang grupo mayroon
lang silang iisang misyon, at ito ang protektahan nila ang kanilang lugar na
Densiara at ang kanilang base camp sa mga gustong sumakop o umangkin sa kanila
at ito ang lugar na Chancasia. Sa kabilang dako, pagkabalik ng Kingstern sa
base camp nila, pinatawag ni Jax ang apat na grupo at tumungo sila sa
headquarters. Ang limang grupo ay
nagpupulong upang mapag-usapan nila ang pagp-plano sa pagpapa-bagsak sa
Chancasia. “Blackbullets, paki-track kung nasaang lugar na ang mga taga
Chancasia. Piersage, makipag-sama kayo sa Phoenix at paghusayan ninyo ang pag
eensayo para sa magaganap na paglalaban kung sakali na sumugod ang mga taga
Chancasia. Gunner, hintayin ninyo ang mga bagong armas at ipamigay ito sa mga
iba nating ka-miyembro.” Pag-uutos ni Jax sa iba’t-ibang mga grupo.
Blackbullets, ang kanilang leader na si Jeris ay inatasan na ang kanyang mga
ka-miyembro, si Tevin at Evan ay trinack na kung nasaang lugar na ang mga taga
Chancasia. Si Hani at Firenze ay nilinis at pinatulis ang kanilang mga lumang
armas. Piersage at Phoenix, ang leader ng Piersage ay si Sean, at ang leader
naman ng Phoenix ay si Alex. Ang mga ka-miyembro ni Sean ay sina Liam, Mark,
Tristan, at Jayden. At ang mga ka-miyembro naman ni Alex ay sina Patrick, Neil,
Jin, at Emily. Ang Gunner, ang kanilang leader na si Micha ay nagpasama kay
Vianca upang kunin ang mga armas. Si Princess, Joan, at Divine ay tutulong
naman sa pag papamigay ng mga armas. “Gunner, didiretso tayo sa camp field para
mag ensayo.” Sabi ni Micha sa Gunner sa maawtoridad na tono. Sa kabilang dako,
ang pang-apat at pang-lima na grupo ay kasalukuyang nag eensayo ng puspusan.
Samantalang ang Kingstern ay
nakatambay lang sa knailang kwarto sa loob ng campo.
“pre, wala bang ibang misyon ngayon? Kating-kati na ang kamay ko na pumatay.”
Sabi ni Harry. “ipagpaliban niyo muna ang mga misyon natin, mas mahalaga at mas
pagtuonan ninyo ng pansin ang misyon ng buong taga Densiara.” Ani ng kanilang
leader na si Jax. “Jax, hiindi ba tayo pupunta sa camp field?” pagtatanong ni
Luis kay Jax. “sus! Gusto mo lang makita ang Gunner eh!!” pang-aasar ni Gian
kay Luis. Napatingin si Jax sa dalawang nag-aasaran at napailing na lamang.
Makalipas ang ilang oras, anv limang grupo ay nagsamasama na sa camp field. Nag
ensahe ang limang grupo sa pamamagitan ng paglalaro. Sila ay may kanya-kanyang
pekeng baril na may laman na tubig at food coloring. Ang lahat ng grupo ay
nakasuot ng putting t-shirt upang makita ang kulay kapag nabaril sila neto.
Binansagan nila itong laro na “silent kill”.
Nang paunti ng paunti na lang ang mga natitirang miyembro ay itinigil na
nila ang paglalaro. Pinagpahinga sila ni Jax para bukas ay makapag ensahe na
ulit sila. Habang nagpapaahinga ang grupong Blackbullets, tinignan ni Jeris ang
kanilang laptop na may tracker at napansing malapit na sa Densiara ang mga taga
Chancasia. Agad silang tumakbo papunta sa kwarto ng Kingstern at ibinaliata
ito. Tinipon lahat ni Jax ang lahat ng mga grupo sa headquarters at
pinagplanuhan na nila kung sakaling mas mapaaga pa ang pagsugod o pag-atake ng
mga taga Chancasia. Inatasan ni Jax ang gagampanang tungkulin ng bawat miyembro
sa magaganap na laban.
kinabukasan Maaga nagising ang lahat para maghanda.
Nagsuot silang lahat ng bulletproof na vest. “ayos to ah! Bulletproof! Itesting
natin?!!” sabi ni Evan pagkasuot niya neto. “anong testing testing? Kahit naka
vest kayo na bulletproof wag na wag kayong magpapabaril kahit kanino.” Sabi ni
Jeris sa kanilang lahat. Nagsuot na din silang lahat ng earpiece. Maya maya pa,
Nagulantangsila ng biglang may nagpasabog ng Granada malapit sa kanilang base.
Dumating ang mga taga Chancasia na handang-handa nang sakupin at patayin ang
lahat ng miyembro ng taga Densiara. Nangunguna ang legend ng Chancasia na si
Zoe kasama ang kanyang mga alipores na tinatawag na “the Council”. Agad
pumwesto ang mga limang grupo at naghanda na para sa laban. Madami ding dinala
ang legend ng mga kanyang alipores kaya’t nahirapan din ang limang grupo sa
paglaban. Sandali pa lamang na nagaganap ang laban may namatay na agad sa
grupong Phoenix na si Emily. Sunod-sunod na namatay ang mga taga Phoenix. Si
Alex, Neil, Jin, at Patrick ay namatay agad-agaran dahil sa hindi nila kinaya
ang mga taga Chancasia. “sumuko na kayo at unti-unti na ding namamatay ang mga
ka-miyembro niyo!”. Sabi ni zoe sa tono ng pang-aasar. Nginisian lang sila ng
mga taga Densiara, at tinuloy ang laban. Unti-unti naubod ang mga taga
Chancasia at maging ang mga ibang miyembro sa iba’t-ibang grupo ay nabawian na
din ng buhay. Sa grupong Peisage, sina Sean, Liam, Mark, at Jayden ang nabawian
ng buhay at tanging si Tristan lang ang natira. Sa grupong Blackbullets ay
nabawian ng buhay si Hani at Firenze.
Malapit nang matapos ang laban ng taga Chancasia Densiara ng namatay si Divine
at Gian. Agad nag apoy ang galit sa grupong Kingstern at Gunner. Nakatatak sa
isip nila na ipaghiganti nila ang mga namatay na ka-miyembro. Ang mga
natitirang na miyembro ay nagdilang isang Grupo at mas lumakas sila dahil sa
kagustuhan na ipaghiganti ang mga namatay na ka-miyembro. Unti-unti nilang
inubos ang mga taga Chancasia at maging si Zoe na legend ng Chancasia ay nagawa
nilang patayin. Nagawa man nilang patayin ang mga taga Chancasia at ang
Densiara’y patuloy na magiging sa kanila, hindi pa rin matatawaran ang mga
buhay na nabawian ng dahil sa pagiging sakim ng
mga taga Chancasia. Ngunit, napatunayan ng mga taga
Densiara na kung sila ay magkakaisa, mas madadalian sila sa kung ano pa mang
misyon o laban ang kanilang mararanasan. At diyan nagtatapos ang kuwento ng
“ang labindalawa”. Labintatlong mga namatay at labindalawa na nabuhay at
patuloy na mamumuhay sa loob ng Densiara.
Mga tula na Nilikha ni Laurence Idano
laban
sa droga maraming namamatay.
Kahit
pa inoente ay nadadamay.
Kahot
pa bata sumasa kabilsng buhay.
Pinapatay
sa kanikanilang bahay.
Kahit
pa paslitnasisira ang buhay.
Dahil
lang sa illegal na hanap buhay.
Na
pinapatay ng maruruming kamay.
Para
baon ng anak ay mabigay.
Dumarami
ang bilang ng namamatay.
Kahit
hindi pumalag pinapatay.
Magulang
na minahal nilang tunay.
Pagpatay
na ginawang hanap buhay.
Kapalit
bg addict na mapatay.
Mga
kaawaawang naka handusay.
Kayat
hadlangan natin ang pagpatay.
NANGANGANIB NA
KAPALIGIRRAN
ating
kapaligiran atig ingatan.
Ayusin
ang gulo sa kapalaigiran.
Linisin
ang bawat kasuloksulukan.
Ating
pagtaniman mga kabundukan.
Nalalason
na ang atig kspaligiran.
Nangingitim
na ang ating kalangitan.
Dahil
lang sa basurang nagliliparan.
Alagaan
natin ang atig tahanan.
Umiiyak
na ang ating inang bayan.
Dahilan
ng ating mga kasalanan.
Nasisira
ang ating kabundukan.
Dahil
sa illegal na minahan.
At
nga hayop na nagsisiubusan.
Dahil
silay ginagawang kabuhayan.
Kayat
atin na itong pagtigilan.
Upang
masagip pa ang kapaligiran.
ILAW
Wika
nga ni dr. Jose rizal ang kabataan ang pagasa ng bayan.
Ngunit
nagig kabaliktaran ang mensahe ng kasabihan.
Bakit
ang kabataan ay nalapit sa kasamaan.
Mga
kabataan na dapat nagaaral.
Ngayon
ay namumulot na lamang ng bakal.
Para
silay may makain sa almusal.
Mga
kaawaawang bata di manalang tinugunan pansin.
Para
silay makapagtapos din.
Para
makamit ang kanilang mithiin.
Upang
mga pangarap nila ay makamit.
Upang
makabili sila ng gusto nilang damit.
Makabili
ng mamahalig gamit.
Mga
nakakaawang bata na dapat na hawak ay libro.
Mga
kaawaawang kabataan di manalang nakapagalaro.
Ngayon
ang hawak na lamang ay sako.
Habang
sila sy naglalakad sa may batyo.
Dahil
inuuna ang kanilang tiyan na kumukulo.
AKING TERITROYO
o
aking bayang Sinilangan.
Bayang
mahusay kahit saan.
Maasahan
sa pakijipagtulungan.
Mahusay
sa pakikipagkalakalan.
Malalaks
ang kalooban.
Ipinaiiral
ang katapangan.
Sapagkat
walang sino mang inuurungan.
Kahit
sino pa mang kalaban.
Mahusay
sa pakikipag kaibigan.
Kahit
sa ano pa mang larangan.
Kailan
man hindi nag pakita ng kayabangan.
Subalit
kami ay makdiyos.
Kami
ay makatao.
At
pagiging makabayan.
Handang
makipaglaban para sa bayan.
Kayat
wag bibitiw sa isat isa tayoy samasama.
NAIS KONG MAGING
Nais
kong makatapos ng kolehiyo.
Para
akoy tumulong sa magulang ko.
Upang
akoy makatulong sa kapwa ko.
Sa
nangangailangan sa tulong ko.
Pag
bubutihin ko ang pag aaral ko.
Upang
akoy maging magandang ehemplo.
Para
maging inspirasyon sa inyo.
Para
pagharap noyo sa suliranin niyo.
Mag
karoon ako ng magandang trbaho.
Para
mapagtapos ko ang kapatid ko.
Magkaroon
ng kapayapaan sa mundo.
Maging
malinis ang kapaligiran ko.
At
makatulong sa mga kaibigan ko.
Umass
kayog maging tulong ako.
Gagawin
ko kayong parang aking amo.
Upang
kayo ay mapaglingkuran ko.
Ang sanaysa ni Laurence Idano
HIMIG NG KATOTOHAN
,bakit
maramung mga namanataybdahil lang sa droga? Bakit di nalang natinsolusyunan ang
atong problema tigilan na ang illegal ns hanap buhay na ang kapalit ay buhay
daholan ng illegal na hanap buhaymarami nang namamataydahil sa oplan tokhangna
ipinatupadna ipinatupad ang droga na ipinagbabawal na msy ibat-ibang kasangkapan ipinagbabawal na gamot na may
kakaibang epekto sa kalusugan nagsimula ang sunuod sunod na patayan ng maupo si
pangulong rodrigo duterte ang siyang nagpatupad ng oplan tokhang kunh saan marami ang sumuko marami na rin ang
pinapatay na riding in tandem mga controversial na pagpatay ng mga police sa
kabataan mga kabataang wlang walang man lamang kasalanan problema na dapatna
nating solusyunan upang mayigil na ang illegal na patayan.
Ang Maiklng Kwento ni Laurence Idano
Ang Maiklng Kwento ni Laurence Idano
ANG KWENTO NI LUIS BANGIS
noong unang panahon. May isang bantog na lalaki sa bayan ng malolos siya
ay si luis na binansagang luis bangis. Si luis ay tinuturing na bayani da
kanilang bayan sapagkat marami na siyang naipamalas sa larangan ng pagiging
bayani at marami na siyang naligtas . Nakitaan na siya ng katapangan nang siya
tatlong taong gulang pa lamang nang magapi niya ang isang dabuhalang ahas na
may habang apat na metro gamit ang tali at ibinitin niya ito. At nawala ang
naglalakihang ahas sa kanilang bayan. At noong siya ay walong taong gulang pa
lamang ay nakapatay ng isang malaking oso na nanginginain sa sa gubat ng
kanilang bayan . Nagapi niya ito gamit ang isang irak na matulis inuwi niya ang
ulo nito. Si luis ay isang mahirap sapagkat sila ay lugmok sa kahirapan kayat di siya nakapagtapos ng pag aaral . Ang ama
ni luis ay si mang thomas si mang thomas si mang Thomas ay isang magsasakang
uugog ugod dahilan ng katandaan. At ang ina naman ni luis ay si si aling maria.
Anak tumigil ka na sa mga taong di mo naman kaano ano baka kung ano pa ano pa
ang mangtari sayo. Ina paano na ang mva
nangangailangan ng tulong ko . Tumigil ang usapan ng mag ina ng dumating ang
kaibigan ni luos na si juan. Si ay kababta ni luis sapagkat mayroon umabong higanteng baghihimagsik
sa bayan agad na rumespunde si luis at ito nga ay kanyang nagapi ngunit siya ay bahagyang nasugatan . Mabuti
nalang at dating manggagamot ssa kanilang
bayan si mang thomas tumigil umano ito dahil sa maling pag
bigay ng gamot nito sa kanyang
pasiyente. Katat siya ay naging mag
sasaka araw araw niyang kasama si luis
sa sakahan para tumulong sa kanyang am. Isang araw may isang babae na munyik
nang mahulog sa ilog na napa kalalim ito ay sinagip ni luis at sa pagsagip ni
luis sa babae ay nahulog ang loob ni luis sa nakakabighanibh ganda ni maria.
Inalam ni luis ang ngalan nung babae . Halos di makatulog si luis sa
bakakabighaning ganda ni maria ngunit hindi alam ni luis na may natatangi ting
pagyingin si maria sa kanya .kaya mula nung araw na iyon ay naglakas loob si
luis na ligawan si matia at hindi naman siya binogo nito nagtagal ang relasyon
nila ng apat na taon bago sila mag isang
dib dib sa harap ng altar ngunit may nag
iisa silang suliranin ang pagtulong ni luis
sa mamamayan ng malolos . Maraming beses na sila nagtatalo dahilan ng
pagtylong ni luis sa mga tao . Isang gabi ay inatake sa puso si aling maria na
ina ni luis sa kanilang bahay tumangis ng tumangis si luis dahilan ng pag
kamatay ng kanyang ina . Ganoon din ang
kanyang ama na si mang thomas na tila hindi na maka usap. Makalipas ang isang
linggo ay nalibing na ang labi ni along maria . Sa sobrang lungkot ni mang
thomas ay hindi na ito nagising sa kanyang pagtulog matapos ring malibing ang
labi ni mang thomas . Makalipas ang dalawang araw ay may dumating na babae . Na nag
mamakaawang iligtas ang kanyang apo na nasa panganib. Ngunit tumangi si luis na tulungan ang apo ng
matandang babae sapagkat nangako umano
siya na hindi na siya muling tutulong sa mfa tao para sa katahimikan ng
kaluluwa ni along maria . Nagmamakaawa ang matandang babae na bibigyan sita
nito ng salapi ngunit tumanggi si luis hindi binabayaean ang serbisyo ko wika nu luis tumangis ang matandang babae
kayat tinulungan na lamang ni luis ang apo nito . Matapos tulungan ni luis ang
apo nito . Pagdating sa kanilang tahanan ay nakita niya ang isang malaking
certificate na may nakasulat na scholarship
hanngang kolehiyo natuwa si luis sa nakita agad niyang tinawag ang
kanyang asawa natuwa rin ito sa nakita . Makalipas ang isang dekada ay
nakapagtapos ito bilang abogado kaya naiahon niya ang kanyang pamilya
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento